Audio Play:
I have no musical notation of this hymn. Instead, I arranged this audio production for a marching band from the music that I recalled.
With my MIDI keyboard, Edirol by Roland Corporation, I used the following MIDI instruments from Spitfire Audio:
1. Clarinets for the melody
2. Clarinets for the harmony
3. Trumpets for the doubled melody
4. Horns for harmony 1
5. Tenor Trombones or harmony 2
6. Bass Trombones harmony 3
7. Oboes for the rhythm part
8. Tuba for the bass part
9. Glockenspiel
10. Celeste
I also used other MIDI instruments:
1. Sunset Drum Kit
2. Whistle from Logic Pro X loops
3. Euro Dance Remix Over from from Logic Pro X loops
4. Tense Snare Break from Logic Pro X loops
“Bayang Walang Maliw”
(The Bauan Hymn)
Lyrics by Eugenio C. Ingco
Music by F. A. Aguirre
Sintang bayan namin, giliw naming Bauan
Matamis na bunga ng pagmamahalan
Ng Lawa ng Bonbon at Look-Batangan
Pagpalain nawa ikaw ng Maykapal!
Sa timog Batangas ikaw’y hiyas-dagat
May kislap ng Ngayon at sinag ng Bukas
Luha nami’t pawis, launi’t pangarap
Ay handog sa iyong ganap na pag-unlad.
Ang kasaysayan mo, giliw naming Bayan
Kung baga sa saga’y may dalawang kulay
Itim ang anino niyong Kamatayan
At pula ang sinag ng Muling Pagsilang.
Itim-pulang tatak niyong kagitingang
Sa Kamatayan ma’y ayaw pasasaklaw
Ilan ka nang ulit na halos maparam
Sa halip maglaho’y lalo kang kuminang.
Sa balat ng lupa’y kapirasong langit
Na aming minanang sangla ng pag-ibig
Bayang Walang Maliw na aming daigdig
Maglingkod sa iyo’y anong pagkatamis!
Comments