Ang bautismo sa tubig ay napakahalagang bahagi ng kaligtasan sapagkat ito ay iniutos ng ating Panginoong Jesus. Subalit nagkaroon ng kalituhan ang mga tao sa pagsunod sa utos na ito: - Pinalitan ang paraan na paglubog sa tubig (bautismo) sa wisik ng tubig (binyag); - Kalituhan sa paggamit ng katagang "sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo" sa halip na "sa ngalan ni Jesu-Cristo" batay sa pagsunod ng mga apostol at alagad sa unang iglesia; - Pagbinyag sa mga sanggol na walang kakayahan na manampalataya (Mark 16:16) at magsisi ng mga kasalanan (Acts 2:38).
Hindi lahat ng matatalinong tao ay nauunawaan ito, maliban na lang kung buksan ng Diyos ang kanilang pang-unawa (Luke 24:45). Kaya, ginawa ang video na ito upang magbigay ng inpormasyon at pagpapaliwanag, at magsibi ring panimula ng talakayan na may paggalang sa ibang paniniwala.
Comments