Isang mahalagang tanong! "Tinanggap n'yo na ba ang Espiritu Santo simula ng kayo'y manampalataya?" Bumaba na ba sa'yo ang Espiritu Santo? Napuspos ka na ba ng Espiritu Santo? Hindi ito alam ng iba. Ang iba naman ay nagsasabing mayroon silang bunga (Galacia 5:22-23) at mga kaloob ng Espiritu Santo (1 Corinto 12:7-10); kaya tinanggap na nila ito. Sapat kayang sagot ito? Ano nga ba ang unang patunay na tinanggap ng unang iglesia ang Espiritu Santo ayon sa Biblia?
Mahalaga ngang tanong ito ayon sa sinabi ni Jesus "malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi siya makakapasok sa kaharian ng Diyos" (Juan 3:5). Ang kapanganakan sa Espiritu ay bautismo sa Espiritu Santo. Narito ang isang video na magpapaliwanag ng bautismo sa Espiritu Santo.
Opmerkingen